diminished chord of ideas

Entries for April, 2005

April 3rd, 2005

si little time too much to do

Posted by estranged_parts at 11:11 PM on April 3, 2005.

your shadow's on a gnomon telling me i'm running out of time.

postulate here

April 6th, 2005

compromise?

Posted by estranged_parts at 01:52 AM on April 6, 2005.

for a partnership to be real

the two individuals must not blend

they must merge but retain their own identities

 

(not my words) 

7 theories

April 7th, 2005

my everything

Posted by estranged_parts at 10:30 AM on April 7, 2005.

 

didn’t mean to take you for granted

didn’t mean to show I don’t care

didn’t mean to throw away this once in a lifetime of chance

being with you

 

pride no longer has room in me

on bended knees in public I cry

your name for everyone to know that I love you, I love you

please hear me now

 

and I’ll drive for 2 hours

to bring Butterfingers

i don’t mind the distance

this kismet's a dance

 

this time I surrender

my everything forever

life doesn’t matter

just our souls together

 

8 theories

April 17th, 2005

bangungot

Posted by estranged_parts at 04:39 AM on April 17, 2005.

Tuwing gabi

Sumisikat ang buwan

Kasabay ang dalamhati

 

At sa dilim

Sumisilip ang kirot

Lumuluha ang lihim

 

Sa higaan

Kinukumutan ng takot

Alinlangan ang unan

 

Sa karimlan

nangangapuhap at nangangakapa

umaasang ikaw ang mahagkan

 

sa pagtulog

gumising sa gitna ng bangungot

hindi ako nahuhulog

postulate here

April 21st, 2005

prince charming

Posted by estranged_parts at 01:21 PM on April 21, 2005.

 

dear mr. prince charming, not every damsel in distress wants to be saved.

5 theories

April 25th, 2005

alon

Posted by estranged_parts at 02:33 PM on April 25, 2005.

 

kay bilis magpalit ang panahon

bumabago ang direksyon ng hangin

bawat agos ng alon

pinapalitan ang hugis buhangin

postulate here

April 29th, 2005

bawal ang tomae detu

Posted by estranged_parts at 09:24 AM on April 29, 2005.

 

kid

 

alamin mo kung saan ka lulugar

 

baka 'di mo matanto kung saan ka pupulutin 

 

postulate here

April 30th, 2005

resibo at wallet

Posted by estranged_parts at 02:05 AM on April 30, 2005.

 

 bigay ni lola

 

aking iniretiro ang tanging wallet na ginamit ko sa loob ng 3 taon. sa pagretiro ng aking wallet, naglabasan din ang mga nakaraan na tila nabaon na sa limot. may mga tiket ng mga konsyerto, may mga litrato (grad pic, solo pic, 1x1 pic, group pic, at kung ano ano pang picpic), may mga retreat letters (palanca ba ang tawag dun?) at higit sa lahat (tenteneneeeen!!!)..... ang mga resibo.

nakakatuwa ang mga resibo dahil nahahati ito sa dalawang kategorya: 

a.)mga importanteng resibo na kung saan nakasalalay ang warranty ng produktong iyong ibinili. halimbawa, may binili kang wall clock na ang tatak ay "quartz" sa SM at may diperensya ito... nagaalarm. ngayon ipapakita mo ang resibo bilang patunay na binili mo ang relo ay nais mong ipapalit dahil may diperensya ito gayung under warranty pa ito dipende sa patakaran ng tindahan. o di naman kaya'y patunay kay manong guard na hindi ka magnanakaw at bayad ang condoms na ikinahihiya mong i-abot sa cashier.

b.) ang mas importanteng resibo; ang sentimental na resibo. mga resibong nagkaroon ng kahulugan sa ating buhay. eksakto ang address ng lugar, ang petsa (araw/buwan/taon), pati oras (oras/minuto.segundo). at tuwing sinusulyapan mo ang partikular na resibo ay naaalala mo kung sino ang kasama mo at ang mga pangyayaring naganap sa araw na iyon. kadalasan ang mga nakatagong resibo ay may mga masasayang alaala at nakakakilig na mga sandali.

 

Quik Treats Inc.

South Expressway, San Pedro, Laguna 

 TIN 237-397-077-000 VAT

2/25/2005 6:26 pm                                    002-940055077023

------------------------------------------------------------------------------

Butterfinger 59.5g                                       6.0              228.00

------------------------------------------------------------------------------

TOTAL                                 6 Items                                228.00 

TENDERED                                                                       500.00 

CHANGE                                                                          272.00 

THANK YOU COME AGAIN

THIS SERVES AS YOUR OFFICIAL RECEIPT

 

 

sa aking  pagpalit ng wallet hindi ko dadalhin ang lahat ng alaala. hindi ako maglilipat ng mga litrato, sulat o resibo. iiwanan ko ang nakaraan. sa aking bagong wallet, ako'y magsisimula sa umpisa. tatahak ng bagong daan, at magiipon ulit ng mga maliligayang sandali.

 

p.s.

hindi ako mayaman. bigay lamang ang wallet na bago.

7 theories