Paglalaho
Posted by estranged_parts at 12:16 PM on May 3, 2005.
lumipas nanaman
natapos ang dilim
hinihintay ang oras
ng ‘yong pagdating
di nanaman kita
muling nakapiling
sana
may himala
hanggang sa susunod
pumanaw ang liwanag
ika’y wala parin
di ka naaaninag
aking tanging hiling
parang araw at buwan
na di nagtatagpo
may kanya-kanyang mundo
hanggang sa susunod
na paglalaho
putang ina nyo
Posted by estranged_parts at 12:34 AM on May 9, 2005.
putang ina mo
ang lakas ng loob mo pero wala ka sa lugar. umayos ka.
putang ina mo
anay ka alam mo yon? anay ka. A-N-A-Y. paloob ka manira. patago maminsala. ismol bat teribol!
putang ina mo
ano
ka uod? walang buto? magpa-eksray ka ngang hindot ka! matuto kang
kumain ng balot para sa nanlalambot! baka sakaling makatayo ka sa
sarili mong paa.
putang ina mo
isa ka pa eh ha? isa ka pa
eh... AC-DC, 110-220, autovolt. kung anong trip mong kuryente dun ka.
pano na kung magbrown-out? ehdi yari ka.
putang ina mo
sino ka ba? si sleeping beauty ka ba o si snow white? kailangan pa
ba kitang halikan sa labi para magising? pasensya ka hindi ako si prince charming mo.
putang ina mo
kailangan ko pa bang kausapin ang
MMDA at isama ka sa sidewalk clearing operations at
road-widening project ni Bayani Fernando? subukan natin at baka
lumapad-lapad naman ang daan ng makitid mong utak.
putang ina mo
ang tunay na duwag ay kailanman
hindi nagpatalo. kaya heto na, taas kamay, puting bandera. suko na ako.
donk get mi rong
Posted by estranged_parts at 02:37 AM on May 10, 2005.
alam ko namang hindi ka bobo. tanga lang. mejo. konti.
langit daw
Posted by estranged_parts at 03:02 AM on May 13, 2005.

nagduda ako kung langit nga... wala namang virgins dun eh.
too much
Posted by estranged_parts at 01:04 AM on May 16, 2005.
the only way to know too much is to do too much.
mga bagay na 'di pwede
Posted by estranged_parts at 04:52 PM on May 17, 2005.
nais mo bang tumalon
sa malalim na balon
di man lang alam
kung may tubig na sasalo
nais mo bang magmaneho
paakyat, papuntang Baguio
ng nakapiring ang mga mata
wala man lang makita
nais mo bang angkinin
mga laruang kaakit-akit
pang tawag pansin
sa likod nitong
makapal na salamin
nais mo bang magmahal
ng walang pakundangan
gusto mo bang balikan
ang madrama mong nakaraan
kahit may iba ng kinahahagkan
ang damdaming nasaktan
malamang di ka papayagan
malamang ika'y pipigilan
pagkat mga ganitong paraan
ay mga bagay na 'di pwede
grabehan
Posted by estranged_parts at 06:54 AM on May 21, 2005.
tagalugin ko nalang para maintindihan.
"konting bayag naman jan..."
self-inflicted wounds lead to suicide
Posted by estranged_parts at 02:24 AM on May 28, 2005.
out of control
at 80 miles per hour
brake fluid lines cut
head for that wall (or)
find the tallest bridge
take the fall
like crash test dummies
for trial and error
reflexes stall
fake instincts on a roll
infatuation
ergo
confusion
losing grip
Posted by estranged_parts at 04:14 PM on May 28, 2005.
i'd like to hold on
but i have to let go
i'd love to hold on
but i should let go
nobody wants to play
second fiddle all the time
and end up all alone
tama na
Posted by estranged_parts at 08:04 PM on May 29, 2005.
kailan matatapos ang lahat ng ito
ibinigay ko na ang lahat sayo
ano pa ba ang pagkukulang ko
katahimikan ko’y iyong minumulto