pinilakang tabing
Posted by estranged_parts at 01:07 PM on February 10, 2006.
hindi kita mabasa
una tayong magsama
walang kamalay-malay
ika'y naghihintay
di na kailangan ng tulay
sa isip mo lang tayo hindi bagay
pero ang puso nagsasabi
hindi na tayo mawawalay
wala nang magbabago
bukas, makalawa
iba na ang kapiling
ikaw parin
ang laman ng damdamin
pinalipas ang panahon
nandito ka parin ngayon
pang pinilakang tabing
ang kwento ng pagibig
pagibig na walang taning
ito ang kwento natin