pda
Posted by estranged_parts at 09:16 AM on November 10, 2006.
yayakapin ka, sa harap nila
sasabihin ko, na ikaw na nga
hahawakan ko, ang iyong kamay
di na bibitiw, habangbuhay
mga braso ko'y, mistulang bakod
sakto ang kamay, sukat sa likod
titignan ka lang, sa'yong pagidlip
tila pabulong, ang 'yong paghilik
kung papayag ka
di alintana
may pag-asa pa
papayag ka ba