diminished chord of ideas

Entries for October, 2007

October 24th, 2007

Untitled

Posted by estranged_parts at 11:09 AM on October 24, 2007.

 

 

 

siyam na taon
paano magpapaalam
mga magkakaibigang
walang kamuwang-muwang

mga musmos palang
walang kamalay malay
buhay ay puro laro
di naman ganong sineseryoso

ngunit ngayon ko lang ito
natatanong ulit saking sarili
mga tanong na di parin
nasagot ng panahon

sinong papalit sa iyo
sa taguan, sa patintero
ikaw pa naman ang malupit
pag patotot ang iyong pwesto

sabi nga nila sa akin
kulang lang ang iyong kama
parang natutulog lang
sabi ng nanay nya


di ko tuloy alam kung pano...

pano nga magpapaalam
kung natutulog ka lang?

 

*nung bata pa ako, naranasan kong mawalan ng isang kalaro at kaibigan buhat ng isang trahedya. "parang natutulog lang nga." sabi ng nanay nya pagdalaw ko sa kanyang burol. kaya minsan, di parin ako naniniwala na pwedeng pumanaw ng ganun kaaga.

postulate here