bagong gising
Posted by estranged_parts at 12:27 AM on April 28, 2008.
parang yung kumot
na pumulupot
sa katawang paikot ikot
sa pagtulog
niyakap ng bangungot
tuwing pumipiglas
lalong humihigpit
ang iyong kapit
sana ay huwag mangawit
nagising sa isang kalabit
hindi magpapatalo
gigising at babangon
mula ngayon lalaban
kahit anong iharang