Nakakapraning ang Ulap
Posted by estranged_parts at 01:31 AM on July 19, 2008.
So totoo pala yun. Pag nasa loob ka ng eksena ng isang near death
experience, nangyayari yung flash back. 24 yrs kumasya sa 1 minutong
pagmumuni-muni. Kwento ko nalang yung nangyari para mabawasan ang
stress ko.
Sa return flight namin ng SS kahapon pauwi ng Manila
galing Osamis City via Air Philippines nangyari ang lahat. Pumasok kami
sa isang madilim at makapal na ulap. Biglang kumalabog ng malakas.
Turbulence daw kaya nag-on yung fasten your seatbelt sign. Pero anak ng
pating na turbulence yan. Feeling ko ako yung beans sa loob ng maracas
ng isang latin band. "Relax lang, turbulence lang to" ang sabi ko sa
isip ko habang humihigpit yung hawak ko sa arm rest.
Tumagal ng
halos 1 min. yung bayolenteng anak ng pating na turbulence. Kumalabog
ulit. Mas malakas dun sa una. Tapos naramdaman na ko yung unti-unting
pag tungo ng eroplano at rinig na rinig ko yung acceleration ng bilis
ng lipad (lipad parin ba yun kahit pababa?). "Wow. Hanep. Ito na ba
talaga yon? Hindi pa ako handa eh. Ayoko pang mamatay." kinakausap ko
nanaman sarili ko. Tapos ayun na may mga humihiyaw, umiiyak, sumisigaw
ng "LORD! LORD!!!"at dun tumama sakin na baka ito na nga talaga.
Flashback!
Mga mahal sa buhay, mga masasayang pangyayari, at kung ano anong
chenes. Put@#& !#@! Hindi lang flashback, may flash forward pa!
Nakita ko yung headlines sa dyaryo kinabukasan. Naisip ko rin na kunin
yung celphone ko at mag text o tumawag sa mga importanteng tao para
magpaalam pero grabe na yung gforce sa katawan ko pinipisak ako sa
upuan. Pati mukha ko parang napupunit na. Walang sinabi ang
rollercoaster. Promise. Hinihintay ko nalang din bumagsak yung oxygen
masks pero hindi bumaba (sayang hindi tuloy kumpleto yung experience).
Halos
isang minuto rin bago unti unting umangat yung nguso ng eroplano at
dahan dahang guminhawa ang pakiramdam ko. Kinuha ko agad yung PSP ko
kasi naisip ko kailangan ko sumoundtrip para pampakalma. Sa sobrang
panginginig ng kamay ko hindi ako makapili ng maayos kasi kung ano
anong buttongs yung napipindot ko. Ayun sa wakas lumiwanag muli at
ikinatutuwa kong makita na mataas pa ang altitude namin. Hindi yung
tipong pwede ng makisindi ng yosi sa mangingisdang naglalambat sa
dagat.
Nagawa pa naming magbirubiruan agad tungkol sa
nangyari, pero alam ko na tactics lang yon para mabawasan ang takot at
kaba. Pano ba naman, nung pa take-off na kami nagtaasan pa ng kamay na
parang rollercoaster ang sinasakyan namin. Ngayon ko lang rin narealize
na yung sinoundtrip ko ay kanta ng Mae, ang title, SUSPENSION hahaha!
Sa
madaling salita, nabuhay kaming lahat. Palakpakan (kaming mga pasaway
sa likod) nung lumapag ang eroplano. May mga hinimatay pala nun. May
lola pa at may sanggol na iilang buwan palang. Kasama rin pala namin
yung Rivermaya sa flight na yun.
Nakakapraning ang ulap.
Disclaimer:
Ang mga nabanggit na timeframes ay mga estimate lamang. Pasensiya na
kung hindi ko na-on yung stopwatch sa celphone ko.
2 theories
Anonymous (guest)
kaldero (guest)
